NAGPATULOY ang mga dambuhalang upsets matapos ang second round ng Philippine Sports Commission (PSC) Cup International Chess Championships Martes sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
Itinal nina Fide Masters David Elorta (ELO 2343) at Randy Segarra (ELO 2311) ang giant king upset kontra sa higher rated opponents sa US$30,000 SMART-sponsored nine Round-Swiss tournament, hosted ng Philippine Sports Commission (PSC) sa gabay ni Chairman Ricardo Garcia na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pakikipagtulungan nina Chairman / President Prospero A. Pichay Jr. , Secretary-General at Tagaytay City Mayor Abraham 'Bambol' Tolentino Jr. at Executive Director Jayson Gonzales.
Giniba ng San Andres Bukid, Manila resident Elorta si top seed Russian Super GM Aleksandr Rakhmanov (ELO 2612) sa 67 moves ng London System Opening habang angat naman ang La Salle Taft head coach Segarra kay GM John Paul Gomez (ELO 2520) sa 33 moves ng English Opening.
" Queen less o mamamate s'ya sa pag tira ko ng Nh4 sa 67 moves. Kaya wala s'yang magagawa kung hindi mag resign," sabi ni Elorta na biniktima din dati sina Chinese Grandmasters Zhang Zhong at Zhou Weiqi sa kanyang entire chess career.
"Nagkamali si John Paul sa middle game at na one piece ko s'ya," ani naman ni Segarra.
Nakasama nina Elorta at Segarra sa leadership board na may tig 2.0 points ay sina Mongolian GM elect Bayarsaikhan Gundavaa (ELO 2522) panalo kay IM Chito Garma (ELO 2326) sa 27 moves ng Catalan Opening; GM Mark Paragua (ELO 2519) na ungos kay IM Ronald Bancod (ELO 2310) sa 44 moves ng Sicilian defense; FM Haridas Pascua (ELO 2386) na namayani naman kay Rhobel Legaspi (ELO 2257) sa 37 moves ng Catalan Opening at youthful Nelson' Elo' Mariano III (ELO 2251), panalo kay Noel dela Cruz (ELO 2371) sa 59 moves ng Center Counter Game.
Ang laban sa pagitan nina 12-time national open champion GM Rogelio 'Joey' Antonio Jr. (ELO 2541) kontra kay IM Emmanuel Senador (ELO 2329) at NM Roger Sarip (ELO 2284) versus IM Rolando Nolte (ELO 2460) ay nauwi sa tabla para samahan si GM Richard Bitoon (ELO 2411) sa grupo ng 1.5 points. Panalo ang Medellin, Cebu ace na si Bitoon kay Stephen Reloj (unrated) sa 37 moves ng Nimzo-Indian defense.
Nakabalik naman sa kontensiyon sina Asia's First GM Eugene Torre (ELO 2485) at second seed GM Oliver Barbosa (ELO 2574) na galing sa opening loses nitong Lunes sa US$6,000 top prize National Chess Federation of the Philippines (NCFP) tournament na suportado din ng Puregold, Manila Pavilion Hotel at City State Tower Hotel.
Kinaldag ni Torre si WNM Jan Jodilyn Fronda (ELO 2026) sa 53 moves ng London System Opening habang angat si Barbosa kay Kevin Mirano (ELO 2037) sa 59 moves ng Catalan Opening. - Marlon Bernardino-
No comments:
Post a Comment